<$BlogMetaData$>

 

::[m]channel YouTube::

::retzwerx::

::KIMERALD::

isulong seoph

{ bLoG jUnKiE }

 Add to Google

Free Blogger Templates

BLOGGER

Philippines Best of Blogs

Hit Counter



Tuesday, September 04, 2007

ON BLOG LEAVE


I won't be able to post updates until next week because I'm working on something important. I'll be back to blogging soon. Thanks!

Labels: ,


Posted By Markymark @ 6:03 PM   |



Wednesday, August 22, 2007

Mukha ni Kokey, kopya kay Boy Abunda

Hindi ako marunong mag-text pero knows ko kung paano mag­basa ng mga text message na ipinadadala sa akin. Nakatanggap ako ng text message tung­kol kay Boy Abunda. Ang sey sa text message, kumpirmado raw na iginaya sa mukha ni Kuya Boy ang face ni Kokey.

Na-offend ba si Boy sa kumalat na mga mensahe sa text? Wiz! Nagsalita pa siya sa The Buzz na type na type niya na ikumpara siya kay Kokey dahil ito ang number one prime­time show ngayon sa ABS-CBN.


(Article courtesy of PhilStar)

Labels: , , , ,


Posted By Markymark @ 11:45 AM   |



Kim Chiu flies high with debut album

AT first sight of Kim Chiu, one will surely notice her sweet smile that makes her pretty face glow. But this 17-year old Chinese Cebuana is more than just beautiful.

Now at the peak of her career, lovely Kim releases her first solo album entitled Gwa Ai Di - a compilation of pop and teen love songs that will make you want to sing all day long. It is composed of eight tracks, which include the carrier single, Crazy Love, an enchanting rhythm that will trap you into daydreaming. It speaks about a bittersweet scenario, a love that can never be.

Another potential hit single, Trying, has a positive mood that springs from the idea of knowing what love is. Meanwhile, there are 3 Chinese songs in the Album : Peng Yeo, The Moon Represents My Heart, and Gwa Ai Di. Kim first sang Peng Yeo inside the PBB house. This is a friendship song done the Kim way and transcends any age bracket. The other Chinese song, The Moon Represents My Heart, is usually sang during weddings. The song Gwa Ai Di offers a more mature perspective on romance.
Carrying the actual title of Kim Chiu’s album, it represents Kim's growth as an artist as well. Meanwhile, her duet I've Fallen For You with Gerald Anderson will surely make a lot of fans beam with excitement especially with their upcoming movie to be shown mid-August of this year. And lastly, the Heartbreak Song readily share one's sorrow from a "can't move on" situation. Gwa Ai Di by Kim Chiu is up for grabs now. Available nationwide, from Star Records.


(Article courtesy of journal online)

Labels: , , , , , , ,


Posted By Markymark @ 11:42 AM   |



Star Cinema's A Love Story, may kurot sa puso

KALALABAS pa lang namin mula sa sinehan sa Glorietta nang mag-text sa amin ang kapatid na Leo para sa aming deadline. Super watch kami ng A Love Story. Grabe, pila ang tao sa Glorietta at talagang napiga ang puso namin sa pelikulang ito nina Aga Muhlach, Angelica Pangananiban at Ms. Maricel Soriano.

Makatotohanan ang plot ng pelikula at maganda ang twist nito, hindi masakit sa ulo, palibhasa'y isang Maryo J. delos Reyes ang gumawa ng obrang ito kaya it's no wonder why this film is a success and should be proud of. Gustung-gusto namin ang eksena nina Aga (bilang Ian) at Marya (Bilang Joanna) nu'ng sinabi ni Ian na "sawang-sawa na akong makipag-kumpi-tensiya sa nakaraan mo!"

Halos nadurog naman ang puso namin for Maricel's character as Joanna sa hospital scene niya with Aga and Angelica (Karyn) kung saan nag-kunwari si Marya na hindi niya kilala si Aga. Hay naku, basta, panoorin niyo ang A Love Story. It's worth your time and money. Kung kami ngang bihira nang manood ng sine dahil mahal na ang lahat ngayon ay napabilib nang husto rito, ay, sulit talaga! May kurot sa puso.

Mapapa-isip ka rin, eh, na minsan ay nasabi mo sa sarili mo ang mga linyang binitiwan ng mga karakter sa pelikula. Merong din eksena roon na ipinaglaban talaga ni Karyn si Ian, to the point na sinabi pa niyang buntis siya. Hangga't sa napunta rin sa wala ang relasyon nila, nagkasakitan lang sila.

Well, naniniwala ka-ming a child is never enough reason for a marriage to work. At the end of the day, ang dalawang taong involved sa relasyon pa rin ang magde-decide if it's working or not. Come to think of it, di ba? Naku,basta mamahalin niyo lalo si Aga sa pelikulang ito. Yun na!


(Article courtesy of Journal Online)

Labels: , , , , ,


Posted By Markymark @ 11:30 AM   |



Angel Locsin, bibinyagan ni Piolo Pascual

NAGKITA at nagkaharap na sina Piolo Pascual at Angel Locsin sa bakuran ng ABS-CBN. Parehong excited ang dalawa sa kanilang pagkikita lalo na nang malaman nilang gagawa sila ng pelikula at magkakasama sa isang TV show.

Walang pang final details about the film na gagawin ng dalawa sa Star Cinema. Pero ngayon pa lang ay tuwang-tuwa na si Piolo sa idea na makakatrabaho niya si Angel. "She's very nice, maga-ling na aktres and very controversial. I really love to work with her soon," pahayag pa nito.

Si Angel naman ay halatang na-starstruck din kay Piolo. "Sana ay pumayag si Piolo na magkasama kami sa movie. Gusto ko rin siyang makatrabaho. Malaking karangalan sa akin na makapareha ko siya sa movie," wika naman ng dalaga.

Si Piolo ang unang lalaki na magbibinyag kay Angel sa ABS-CBN. Hindi pa namin alam kung sino ang susunod na ipapareha kay Angel. Pero kapag nagklik ang kanilang tambalan, baka magsunud-sunod na rin ang kanilang proyekto na magkasama.

Samantala, last Monday ay nag-guest na rin si Angel sa Deal or No Deal ni Kris Aquino. Nakita naming ang nanay ni Jennylyn Mercado sa ABS-CBN pero ayaw niyang magsalita ng kahit ano tungkol sa anak. That same day ay taping naman ni Angel at in-assume na lang naming na she's there to give support to Angel. Tama ba kami, Tita Becky Aguila?


(Article courtesy of PhilStar)

Labels: , , , , , ,


Posted By Markymark @ 11:20 AM   |



Thursday, August 16, 2007

Angel, nilamon nina Aga, Marya at Angelica

Angel Locsin attended her first function as a Kapamilya when she showed up sa premiere night ng A Love Story, first movie together nina Maricel Soriano, Angelica Panganiban at Aga Muhlach, sa SM Megamall last Monday.

Although her name was announced prior to the arrival of the main cast, her presence did not create a stir. Never mind, Angel, your time will come soon. Pandemonium naman nearly broke loose when Aga, Maricel and Angelica entered the cinema. They were followed by Direk Maryo J. delos Reyes. The group were requested to go in front of the theater so that they can greet the audience.

As expected, Aga arrived with wife Charlene Gonzales, who was in a white blouse. As expected din, Angelica was escorted by boyfriend Derek Ramsey. Maricel naman was with talent manager Wyngard Tracy, a celebrity in his own right (he is a contestant in the reality show, Celebrity Duets, on GMA-7).

Susan Roces' presence also lent glitter, if not glamor, to the event. Susan and Maricel appear as mother and daughter in-law in the ABS-CBN sitcom, John En Shirley. Kitchie Benedicto, John en Shirley producer, was also present sa premiere ng A Love Story.

In support of Angelica, her fellow Star Magic talents, like Luis Manzano, Michelle Madrigal and Joross Gamboa (who came with his commercial model-girlfriend) came. Ditto with Rikka Dylim, PR and publicity head of Star Magic (discovery and talent arm of ABS-CBN).

Also spotted were John Arcilla, TJ Trinidad and Charee Pineda, who play supporting roles in A Love Story. Other guests included former Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Edition housemate Mitch Dulce, Manila Councilor Yul Servo, Ana Capri and directors Trina Dayrit and Rory Quintos.

(Article courtesy of Journal Online)

Labels: , , , , ,


Posted By Markymark @ 11:13 AM   |



Studio 23, makikipagsabayan sa USA!

DAPAT abangan ang mga bagong foreign show ng Studio 23 na makikipagsabayan sa USA, sangayon sa simpatikong managing director na si Leo Katigbak.

Hindi na raw kailangan maghintay ng matagal ang viewers ng kanilang paboritong foreign shows dahil makikipagsabayan na ang Studio 23 sa US airing ng Grey's Anatomy, Smallville at Desperate Housewives. "Hindi na kailangang maghintay ng 4-12 months o kaya'y mag-download sa Internet," added na sey pa ni Leo.

Hindi rin daw pahuhuli ang mga show na may tatak Pinoy tulad ng game show, youth variety show, men's lifestyle show at dalawa pang reality shows. May panibagong istilo rin sa pagbabalita ang primetime newscast na News Central kasama sina TJ Manotoc, Ria Tanjuatco Rillo at Tricia Chiongbian, na magbibigay ng impormasyon sa paraang akma sa younger viewers.

Patuloy namang magbibigay ng lifestyle tips sina Iya Villania, Chesca Garcia at Angel Aquino sa US Girls. Gayundin sina Bianca Gonzales, Kim Atienza, JC Cuadrado, Patricia Evangelista at Mo Twister sa Y Speak.

Panibagong season na ang mga inaabangang Ghost Whisperer, Lost, Two and a Half Men at ang second comedy show sa US na Rules of Engagement. Sad to say, mamamaalam naman ang longest-running family drama sa kasaysayan ng telebisyon na 7th Heaven sa ika-12th season.

Pero tuluy-tuloy pa rin ang action-drama sa International Fight League, Kyle XY at Brothers and Sisters.


(Article courtesy of Journal Online)

Labels: , ,


Posted By Markymark @ 10:54 AM   |



Wilma Galvante cannot accept defeat!

Heard na na-trauma si Jennylyn Mercado dahil kuno sa pagsigaw sa kanya with matching panlilisik ng mga mata ng isang powerful person who cannot accept defeat. Ang dati raw fave song nito ay ang pinasikat na awitin ng The Platters na may lyrics na ... "You are my special Angel, coming from" pero ngayon ay iba na, na tipong ... "Go! Go out the door because you're not welcome anymore...!"

Jusme, parang tunog ng awiting I Will Survive, noh? Naku, matanong nga si Jennylyn kung sinex itech na puwedeng maging another Bella Flores in the making, tsuk! Komento tuloy ng ilang showbiz insiders, nami-miss nila si Lenny Parto, dating bossing sa GMA-7.

Oh, that good old days, that good old days ,now is gone! gone! gone! Idinaan daw sa medley, o! Hahaha!

Hayyy, dapat yata ay may ilang exec diyan sa tabi-tabi na mag-seminar kay Charo Santos-Concio ng ABS-CBN on how to handle their position with a kind heart at maging prim and proper in any kind of situation. Huwag magpakalunod sa "isang basong position" na ipinagkaloob ni Lord, amen!

(Article courtesy of Journal Online)

Labels: , , ,


Posted By Markymark @ 10:49 AM   |



Pag-alis ni Angel, Leksiyon para sa GMA

NAGSIMULA nang magsalita si Angel Locsin bilang sagot sa issues na ipi-nupukol sa kanya, at sa galit sa kanya ng mga dati niyang boss sa GMA-7. Hindi naman maikakaila ang hatred ng Kapuso network mismo sa kanya at sa kanyang manager na si Becky Aguila na siya ring dahilan kung bakit na-dadamay pati ang ibang mga artista na nasa ilalim ng management nito.

Pero, marami nga ang nagsasabi na iyang nangyaring iyan kay Angel Locsin ay isang leksiyon na rin naman para sa Channel 7. Una kasi, masyado silang kampante sa mga kontrata nila sa mga artista nila ganoong ang mga iyon pala ay may mga proyekto pang nakalinya sa kanila. Halimbawa nga iyang kagaya ni Angel, na pinuhunanan nila pero napabayaan nilang walang kontrata nang ilang buwan na.

Nangyayari rin naman iyan dahil kung may kontrata naman sa kanila ang mga artista ay masyadong sakal at pagod ang mga ito. Milyon nga ang kikitain mo, pero patay naman ang katawan mo sa trabaho.

Kung iyan, natapos man ang kontrata ng isang artista, pero enjoy naman sa network, hindi pa rin sila aalis kahit na sulsulan pa sila ng managers nila. Ibig sabihin may pagkuku-lang din naman talaga ang mga tauhan ng Kapuso network kung kaya hindi enjoy ang mga artista sa kanila, at oras na makakita ng pagkakataon, nilalayasan sila.

Siguro nga, ang pang-yayari ay isang magandang leksyon sa channel 7, na hindi sila dapat na maging masyadong kam-pante sa mga kontrata nila, at pakisamahan din namang mabuti ang mga artista nila para hindi sila nilalayasan nang ganoon na lang.

Okey lang lumayas iyong hindi mo kailangan, eh. Halimbawa, lumayas man iyong Valerie Concepcion, so what? Puwede mo pa ngang sabihin na mabuti nga at nawalan ka na ng excess baggage, eh. Pero, kung kagaya ni Angel Locsin ang nawala, masakit iyan.

Labels: , , , ,


Posted By Markymark @ 10:36 AM   |



Tuesday, August 14, 2007

Batang Aktres, tinalak-talakan ni Wilma Galvante?

DAPAT sigurong linisin ni Wilma Galvante ang kanyang pangalan bago pa mahusgahan ng ibang tao. Hindi namin kilala nang personal si Ma'm Wilma, pero nagha-hi naman kami sa isa't isa pag nagkikita.

Medyo na-bother lang kami sa isang kuwentong nakarating sa amin. Totoo ba 'to? Na kung meron mang isang napakaplastik na executive sa GMA-7, ang korona ay dapat na mapunta kay Ma'm Wilma? Gaano katotoong pati 'yung isang batang aktres na walang kamuwang-muwang ay pinaaamin niyang alam ng bata ang ginagawa ng manager niya at ng kontrobersiyal na aktres na kalilipat lang sa Channel 2? Ba't gano'n? Ba't may mga salitang, "Tanga ka ba?" Hindi mo alam ang ginagawa ng manager mo? Ba't ka iiyak-iyak diyan?

"Nakakontrata ka pa sa amin, kaya maghintay ka kung kailan ka namin bibigyan ng project," sabi pa raw gano'n ni Ma'm Wilma. Sana nga, pawang mga paninira lamang ito kay Ma'm Wilma, dahil siya lang kasi ang tumatayong spokesperson ng GMA-7. Kasi nga, honestly, hindi rin namin maimadyin na ang isang may mataas na katungkulan ay gagawin ang gano'n kawalang breeding na eksena?

Pakilinaw na rin kung totoong pagdating ng crew ng isang talk show ay biglang kumambiyo si Ma'm Wilma at bineso-beso pa ang umiiyak na batang aktres habang nakatutok ang kamera. Mahirap ang humusga. Kung hindi man ito totoo, sino naman kaya ang naninira kay Ma'm Wilma?

Pero kung totoo man ang bintang, we repeat, kung totoo man, juice ko, ang cheap, huh! Christian network ang GMA, ba't gano'n? May tauhang very "un-Christian"? May espasyo sa aming kolum si Ms. Wilma Galvante kung nais niyang ibigay ang kanyang panig.

(Article courtesy of PhilStar)

Labels: , , , ,


Posted By Markymark @ 11:38 AM   |



AiAi, di tuloy sa kapuso network?

Umalis kahapon, Lu­nes ang Comedy Con­cert Queen na si Ms. Aiai delas Alas for Ireland kasama si Erik Santos for a series of shows at pagbalik niya sa August 21 ay mag­sasalita na siya kung ano ang buong kato­tohanan sa nasulat na pumirma na siya ng kontrata sa GMA-7.

Base sa nalaman na­min ay inalok pala ang ko­medyana ni Ms. Wilma Galvante ng lumipat na lang sa Ka­puso network since wala na naman siyang kon­trata sa ABS-CBN. Pumayag naman daw si Ms. A sa na­sabing alok, pero hindi pa siya nagbigay ng final deci­sion dahil mag-iisip pa at higit sa lahat, hindi ito alam ng manager niyang si Boy Abunda.

Sinubukan naming tawagan si Aiai bago siya umalis pero sa­rado ang cellphone at may nag-text sa amin na taga-Siete na, "Pu­munta raw sa GMA si Aiai at kina­usap si Ma'am Wilma, walang pirmahang na­ganap tulad ng napag-usa­pan." Samantala, sinu­bu­kan din naming i-text ang assistant ni Boy named Phillip tungkol sa isyu, pero hindi rin kami si­nagot pa.

Anyway, nalaman namin na nag­paalam daw si Aiai kay Ms. Cory Vidanes na lilipat siya sa GMA-7 since wala naman siyang project sa nasabing TV network, pero ang say daw ni Ma'am ay, "Don't leave us."

(Article courtesy of PhilStar)

Labels: , , , ,


Posted By Markymark @ 11:30 AM   |



Monday, August 13, 2007

Angel Locsin answers all the issues on The Buzz

Here's the complete interview of Angel Locsin on The Buzz yesterday where she answered all the issues that are being bombarded at her. I think it's quite obvious that the negative issues came from GMA. People are not dumb to see how they handled this. I never thought they could be that bitter. GMA tried to make it seem that they presented supposed facts when in fact, all they wanted to do is to destroy angel. Thanks to Wilma Galvante who seemed to have pioneered everything againts angel. Did they succeed? I don't think so. (Videos courtesy of Starmometer.com)

PART 1 : Angel Locsin on The Buzz



PART 2 : Angel Locsin on The Buzz



Labels: , , , ,


Posted By Markymark @ 11:35 AM   |



Pangarap na Bituin Updates

Sa darating na Mi­yerkoles, Agosto 15 ay na­katakdang umalis ang teen pop star na si Sarah Geronimo patu­ngong Amerika para sa kanyang ikatlong U.S. concert tour kaya bago umalis ay nagpatawag ang ABS-CBN ng solo presscon para sa kanya dahil mahigit isang bu­wan siyang mawawala.

Sa susunod na bu­wan na ipapalabas ang kanyang pinakabagong teleserye na pina­ma­gatang Pangarap na Bituin kung saan niya katambal sa kauna-una­hang pagkakataon si Jericho Rosales. Kabi­tuin ni Sarah at Jericho sina Rica Peralejo at Maja Salvador kasama sina John Arcilla, San­dy Andolong, Cher­rie Pie Pecache, Rio Loc­sin at Joel Torre.

Ang Pangarap na Bi­tuin ay pangatlong te­le­­serye na bale ni Sa­rah. Nauna rito ang Sa­rah, the Teen Princess nung 2004 na sinundan ng top-rating teleserye na Bituing Walang Ning­­ning. Kahit 19 na si Sarah, ayaw pa rin niyang ma­ki­pag-kissing scene sa kan­yang leading man dahil gusto umano ni­yang manatili ang kan­yang pagiging role mo­del sa kabataan.

Ang pattern ng ta­gumpay ni Sarah ay ma­i­hahalintulad sa Asia's Songbird na si Re­gine Velasquez na sa mu­rang edad, nagsi­mulang kumanta at su­mali sa iba't ibang sing­ing com­petitions. Sa edad na 19, love­less pa rin si Sarah pero hindi umano siya nag­ma­madali dahil kahit sa kanyang sarili ay halos wala siyang oras sa rami ng kanyang tra­ba­ho at mga com­mit­ments.

Ang ultimate goal ni Sarah ay makilala siya internationally tulad ng isa pa niyang idol na si Lea Salonga. Sa kabila ng kan­yang tight schedule, pa­ngarap ni Sarah na ma­tapos niya ang kanyang pag-aaral kaya kahit hirap siya sa kanyang schedule ay pilit niya itong isinisingit.

(Article courtesy of PhilStar)

Labels: , , , ,


Posted By Markymark @ 11:12 AM   |



AiAi balik Kapuso na?

Tumawag kami sa isang taga-Backroom Inc., para kumpirmahin ang lumabas sa isang broadsheet last Sunday na bumalik sa GMA-7 si Aiai delas Alas. Pu­mir­ma raw ito ng kontra­ta sa network last Friday, but as we go to press, hindi pa sinasagot ang aming tanong.

Sabagay, malala­man din kung ano ang totoo sa tsikang ito't hindi ito maitatago, totoo man o hindi. Matagal nang nababalitang ba­balik sa Ch. 7 si Aiai and if ever totohanan na ito'y, tiyak na hindi siya ila­lagay sa Sis at Show­biz Central dahil ‘di ito papayag na ma­katapat ang Boy & Kris at The Buzz na host ang man­ager niyang si Boy Abunda.

(Article courtesy of PhilStar)

Labels: , , , ,


Posted By Markymark @ 11:03 AM   |



Sunday, August 12, 2007

Mars Ravelo's Lastikman Full Trailer

Mars Ravelo's Lastikman is the newest superserye to hit ABS-CBN's primetime bida block. Vhong Navarro will portray Lastikman and will be accompanied by a huge support cast like Iya Villania, Roxanne Guinoo, Jake Cuenca, Angelika dela Cruz, Zsa Zsa Padilla, Jarius Aquino, Carmi Martin, Tonton Gutierrez, John Estrada, Dawn Zulueta, Cherrie Gil, Jennifer Lee, Katya Santos, Empress Schuck, Archie Alemania, Jason Gainza and a lot more.



(courtesy of Starmometer)

Labels: , , , , ,


Posted By Markymark @ 9:00 AM   |



Angel Locsin's 2-year contract on ABS-CBN

Pormal nang pu­mirma ng tig-2-years contract sa ABS-CBN at Star Cinema si Angel Locsin kaha­pon, Sabado kasama ang manager niya at legal counsel. With them were Charo Santos-Concio, man­aging director for ABS-CBN, Ms Cory Vida­nes, managing director for TV production ABS-CBN at Ms. Malou Santos, head for Star Cinema. Sa dalawang taong kontrata ni Angel sa Dos ay naka-sti­pulate na gagawa siya ng dalawang soap drama with Piolo Pas­cual. At sa dalawang taong kontrata rin niya sa Star Cinema ay apat na pelikula naman ang nakatakda niyang ga­win at isa rin si PJ sa leading man.

Ayon sa napag-usa­pan ng magka­bi­lang kampo ay mau­unang ga­gawin muna ng ak­tres ang soap drama with Piolo by October. Speechless si An­gel sa naganap na contract signing inabot ng isang minuto bago niya pinirmahan ang kontrata na may buntong hininga at kitang-kita na nanginginig siya. Samantala, tinanong din ang aktres kung sa pelikula nila ni PJ ay okey lang bang makasama nila si Oyo Boy Sotto bilang love triangle?

"Ay, mahal ko ang taong yun, ayokong mahaluan ng intriga kapag gumawa kami ng project together, sana huwag na muna, personal yung sa amin ni Oyo, iba na lang, tulad nina Sam Milby, John Lloyd Cruz, mas maraming mapagpipilian dito sa ABS, eh,: natawang sabi ni Angel.

Samantala, bukas, sa The Buzz ang kumpletong detalye ng interview ni Angel tungkol sa mga isyung naglabasan sa kanya nung wala siya.

(Article courtesy of PhilStar)

Labels: , , , , ,


Posted By Markymark @ 8:34 AM   |



Thursday, August 09, 2007

TVP : Josh Hartnett filming in Pinas Updates

Labels: , , ,


Posted By Markymark @ 12:29 PM   |



Pokwang, pinagkamalang bading ni Aga at James

This one can be considered for the book. Sa advanced taping ng Boy & Kris, dumating sina Pokwang, Bayani Agbayani, Nova Villa at ang kilalang hairstylist na si James Cooper.

The topic being discussed was friendship. Magkakaibigan nga naman ang lahat ng nabanggit na guests. Pokwang urged Aga to narrate his first impression of her. Katuwiran niya, kundi nga lang unang nakilala ni Charlene (Gonzales) si Aga, baka siya (Pokwang) ang tinutotoo ng aktor.

Pero, alam nyo bang nung una, ang akala ni Aga'y bading si Pokwang? Nag-guest ito sa dating programa nila ni Bayani, OK Fine Whatever, at binanggit ni Direk Danni Caparas (also the director of his new sitcom, That’s My Doc) na kahit ganun ang hitsura ni Pokwang, di ito matatawaran dahil seksi't napakaganda ng legs.

"Noong una, hindi ko binabati ng halik yan. Nagkakilalanan lang talaga kami nang husto when we did Dubai. Ito ang masasabi ko kay Pokwang, di lang siya sexy at magaling na komedyante, champion pa sa pakikisama," susog ni Aga.

Kuwento naman ni Kris Aquino: "Kahit si James (Yap, her husband), akala nung una ay gay si Pokwang."Ano naman ang reaction niya rito?

Pokwang answered: "Wala. At least kumikita ako dahil sa mukha ko at naging kaibigan ko ang mga tulad nina Papa Aga at Mama Kris


(Article courtesy of Journal Online)

Labels: , , ,


Posted By Markymark @ 12:20 PM   |



Angel Locsin, ka-level lang ni Wendy?

Hindi lang iilan sa mga kasamahan naming manunulat na nakakaalam ng tunay na kahulugan ng 'utang na loob' ang medyo ilang sa presscon ni Becky Aguila. Sabi ng ibang reporters, alam ng manager ni Angel Locsin ang utang na loob but she doesn't practice it, or if she does, maling implementation daw?

Marami sa mga dumalo sa presscon na yun ay hindi interesado. Ilan lang ang nagtanong. Most of them, comment lang nang comment sa upuan nila. Para saan daw ba yung presscon na yun? Eh ano raw ba kung saanman lumipat si Angel Locsin, what's the big fuss? Siya raw ba ang pinakamalaking star this side of heaven? Maging sa Hollywood daw, hindi naman pinapa-presscon pa kung saan mang movie outfit gagawa ng pelikula si Madonna, Sharon Stone, Angelina, Beyonce or whoever.

First time in local history na may pinapreskon pang ganito to explain what should not be explained anymore dahil alam na naman ng lahat yun kaya naging boring yung preskon, noh?! Kaya isa-isang nagsitakas ang mga baklita! Nung may magtanong sa akin kung anong palagay ko sa paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN, klaro at maliwanag ang sagot ko: "The end of her career!" Why? "What has she to offer?"

Marunong bang sumayaw si Angel Locsin? Mas gagaling pa ba siyang sumayaw kesa kina Milagring at Mariposa? Marunong ba siyang kumanta like Wendy-wendang ng PBB? Oo nga at pareho lang silang matigas ang katawan, itong sina Wendy at Angel, kaya hindi maaasahan sa pagsayaw, pero kumakanta si Wendy at si Angel ay hinde, noh!

So, what has she to offer? Drama? Mas gagaling pa ba siya kesa kina Kristine Hermosa at Bea Alonzo? Sa kagandahan naman, mas may igaganda pa ba si Angel kesa kina Kristine at Bea? Kay Kim Chiu lang, taob na ang ganda ni Angel Locsin! Sa pagiging all-around naman, kanta, sayaw at drama, madadaig kaya ni Angel ang galing nina Maja Salvador at Shaina Magdayao sa pagkembut-kembot ng dalawa? Let's ask Manay Chit Ramos about this. So what's in store for fly-over Angel Locsin sa bakuran ng ABS-CBN?

First, she's got to top over the three anghelitas ng dos, Angelica Panganiban, Angelika de la Cruz and....dyan-dyaran!!!! Angelica Jones! Sa kaseksihan at palakihan lang ng boobs, taob na si Angel Locsin kay Angelica Panganiban, noh! Buti pa nga si Wendy ni Ambus Nabet may sarili nang teleserye, noh! Nakauna na si Wendy. Magiging poor second na lang kaya si Angel Locsin?

Unless gigimikan na naman ng ABS-CBN na pagtambalin sila at magkabalikan ni Oyo Sotto na nauna nang lumipat sa ABS-CBN in case you didn't know, kasi, hindi pina-presscon ang paglipat niya, noh! Tomorrow, meron pa… kaya abangan... exclusivo!!!

(Article Courtesy of Abante - Alfie Lorenzo)

Labels: , , , , , , ,


Posted By Markymark @ 12:12 PM   |



Angel, di pwedeng makatambal si Piolo sa pelikula?

Hindi pa namin kumpirmado pero kung ang mga im­pormas­yong nakara­rating sa amin ang paniniwalaan ay si Piolo Pascual ang unang makaka­tam­bal ni Angel Loc­sin sa unang pelikula ring gagawin niya para sa Star Cinema.

Pati sa unang ser­yeng pagbibidahan niya sa ABS-CBN ay si Piolo rin ang matu­nog na pinag-uusa­pang makakatambal ni Angel, isang magan­dang love story na ang bina­balangkas nga­yon ng mga writers ng istas­yon para kina Piolo at Angel.

Nakabuslo na ang pagpirma ng kontrata ngayon ni Angel sa ABS-CBN, pagdating na pagdating niya ay yun ang kanyang uuna­­hin, wala nang kuwestiyon ang mag­ka­bilang panig sa kon­tratang pipirmahan ng batang aktres.

Malinaw na naka­saad dun na bibigyan nang sapat na pana­hon ng pahinga ng Dos si Angel, hindi man direktang sina­sabi sa kontrata ang salitang pahinga, may mga pa­raan para mailahad yun nang patagilid.

Kunsabagay ma­res­peto naman ang Dos sa kanilang mga artista, nandun ang kanilang malasakit, ipinatutupad nila nang mahigpit ang cut-off sa taping nila.

(Article courtesy of PhilStar)

Labels: , , , , , , ,


Posted By Markymark @ 11:55 AM   |



Wednesday, August 08, 2007

Star Magic Ball on CinemaNews Alert


(courtesy of leighmonica2)

Labels: , , , ,


Posted By Markymark @ 11:43 AM   |



Jason Abalos, hinangaan sa digital film na ENDO

NAPANOOD ko ang performance ni Jason Abalos sa digifilms na Endo. Aba, eh, may sinaabi pala ang former SCQ member ng ABS-CBN. Parang naglalaro at napaka-natural umarte ng binata kaya naman puring-puri siya ng movie critics.

Noong gala night ng Endo sa CCP ay ang daming nag-congratulate na artista kay Jason. Tuwang-tuwa sa kanya sina Eugene Domingo and Candy Pangilinan, akala kasi nila noong una ay papetek-petek lang si Jason dahil walang talkies at tahimik lang. Pero nang napanood na nila ito sa Endo, humanga sila. Pati ang director ng Endo na si Jad Castro ay gulat din sa galing na ipinakita ni Jason sa pelikula. (courtesy of journal online)

Labels: , , , ,


Posted By Markymark @ 11:31 AM   |



GMA, pinapabayaan na si Jennylyn Mercado?

Nang makausap namin si Jennylyn Mercado last Monday night, halata sa boses niya na may namumuo na rin siyang tampo sa mother network na GMA-7. Hindi naman kaila sa lahat ang giyerang namamagitan sa manager ni Jen na si Becky Aguila at sa GMA-7 dahil sa pag-alis ni Angel Locsin sa nasabing network, pero ang katuwiran ni Jennylyn, wala naman siyang alam sa nangyari kaya nagtataka siya kung bakit kailangan niyang madamay.

"Wala, kinansela na po nilang lahat ang line-up ng guestings ko," sabi niya sa amin. Baka naman may pinaplano ang network para sa kanya? "Mukhang wala naman po, eh," malungkot at maikli niyang sabi.

Napag-alaman naming may ibinibigay sanang proyekto ang GMA kay Jennylyn, pero tinanggihan ito ng manager niya at maging ng young actress dahil luma na ang project at kung ilang beses nang na-shelve. Sa ngayon, wala pa ring malinaw na maisagot si Jen kung ano ang kahihinatnan ng lahat. Kuwestiyon pa rin sa kanya kung bakit siya nadaramay sa problema kay Angel.

Naglakas-loob na kaming itanong kay Jen kung willing ba siyang magpa-release sa manager niya kung sakaling hilingin ito sa kanya ng GMA management. "Hindi po," ang sagot niya. Well, in that case, paano nga ba isu-solve ang problema ni Jennylyn? Sino ba ang dapat magbigay sa dalawang managers (Becky and Artist Center)?

(Article courtesy of Journal Online)

Labels: , , , ,


Posted By Markymark @ 11:20 AM   |



Wendy and Bruce, may acting prowess

As neophytes, in fairness, may acting prowess ang magdyowang Wendy Valdez at Bruce Quebral sa teledramang Margarita, ha! Konting hasa na lang, kakabugin na nila ang ilang Kapamilya talents, sa true lang. Kaya for sure, sa pagpasok ni Angel Locsin sa ABS-CBN, pagalingan na lang sa acting ang magiging labanan wether some like it or not.

Heard na sa gagawing teleserye ni Alma Moreno ay makakasama nito ang isang big female star na ang unang letter ng pangalan ay "A." Si Angel kaya 'yon o si Anne Curtis? Abangan!
Sina Beatriz Saw at Mickey Perz kaya, na PBB2 grand and second winners, respectively, kailan magkakaroon ng regular show sa Dos? Pakihulaan nga, Madam Damin, please lang! Abangan uli, tsuk!

(Article courtesy of Journal Online)

Labels: , , , ,


Posted By Markymark @ 11:12 AM   |



Chx Alcala, gulat sa asenso ni Wendy

Natatandaan nyo pa ba si Chx Alcala? Siya ang kontrobersyal na housemate noon ng Pinoy Big Brother Season 1 dahil na rin sa nude photos niyang kumalat sa Internet na walang takot niyang inamin.

Kung sa PBB Season 2 ay si Wendy Valdez ang pinakamainit na pesonahe, sa PBB1 ay si Chx, at nakapanghihinayang nga lamang na hindi ito na-sustain. Nakausap namin si Chx sa presscon ng digital film na Signos, kung saan ay isa siya sa mga bida at isa sa naitanong sa kanya si Wendy since tila magkapareho nga sila ng imahe.

Hindi raw sila personal na magkakilala, pero napapanood naman daw niya ang said PBB2 third placer. Alam din niyang may sarili na itong teleserye sa Dos, ang Margarita, which is currently airing and Chx has nothing to say kundi masuwerte si Wendy.

"Nagulat nga ako dahil ang bilis niyang nagkaroon ng sariling teleserye. Pero bagay naman sa kanya ang Margarita, kaya lang, mag-practice pa siya ng sayaw. Maganda kasi yung Margarita, eh, parang Burlesque Queen yon, so, dapat, basta practice pa siya ng sayaw," komento ni Chx. Kung sa kanya ba ibinigay yun tatanggapin niya? "Of course," mabilis niyang sagot.

Matagal-tagal ding nawala si Chx, pero say niya, may mga TV guesting pa rin naman siya sa Dos, although manaka-naka lang. Mag-e-expire na ang kontrata niya sa Star Magic ngayong Agosto at wala pa raw siyang natatanggap na offer for renewal.

First movie ever ni Chx ang Signos produced by Daven Productions at ipalalabas na sa August 22, kaya excited siya, lalo pa nga't ang ganda ng kanyang role bilang babaing putik. Kasama niya sa pelikula sina Luis Alandy, Nancy Castiglione, DM Sevilla, Irma Adlawan at Ricky Davao mula sa direksyon ni Aloy Adlawan (na siya ring sumulat ng scipt ng box-office hit na Ouija)

(Article Courtesy of Journal Online)

Labels: , , , , ,


Posted By Markymark @ 11:00 AM   |



Tuesday, August 07, 2007

Star Magic's 15th Anniversary


(Video courtesy of Mukamo)

Labels: , , , ,


Posted By Markymark @ 11:20 AM   |



Cristy Fermin to GMA : Hindi lang pera-pera ang buhay

Sa kanyang pag­babalik sa bansa ay kumpirmadong pipir­ma na ng kontrata sa ABS-CBN ang itinu­turing na mahalagang artista ng GMA-7, ma­laki ang pagkakaiba ng mga salitang ma­halaga at pinahaha­lagahan, isa yun sa mga dahilan kung bakit hindi na nag-renew ng kontrata sa Siete si Angel at ang kanyang manager na si Becky Aguila.

Sa kanyang pagli­pat sa Dos ay umaasa ang kanyang amang si Mang Angel Colme­nares na mabibigyan na ng katuparan ang hiling ng dalaga na magkaroon ng pana­hon para sa kanyang sarili, lalo na para sa kanyang pamilya, na ipagdamot sa kanya noon ng pagkaka­ taon. Sa madaling salita ay ituturing na taong may damdamin at mga pangangailangan ng ABS-CBN si Angel Locsin at hindi isang makina.

Sa kanyang pag­babalik ay nangako si Angel na kakausapin niya ang mga taong kailangan niyang ka­usapin, hindi man niya sinabi ang mga pa­ngalan ng mga taong yun ay ma­ da­ling isipin na ang mga ehekutibo ng Siete ang kanyang tinu­tukoy, siguro'y pormal siyang mag­papaalam sa mga ito.

Ang paglipat niya naman ng istasyon ay hindi nanganga­hu­­lugan ng pagsu­sunog na ng tulay, kung tu­tuusin ay nakatikim nga agad ng mga tadyak at bigwas ng mga taga-Siete ang dalaga, isang bagay na iti­natanggi nga­yon ng mga tagaroon.

Huwag na tayong magbolahan pa, hu­wag na tayong mag­paikutan pa, hindi pa man sumisingaw ang kwentong lilipat na ng istasyon si Angel ay ninega na siya ng mismong mga taga-GMA. Kahit naman ba­likan natin ngayon ang mga naglabasang ba­lita sa mga pahayagan noon ay makikitang mismong mga taga-Siete ang umuupak sa dalaga. Paano ba natin maipagkakaila at ma­pasisinungalingan ang mga kwentong nasulat na?

Sino ba ang batang aktres na sinasabi ng mga ito na may ere na, na maldita na, na nagpapaimportante na? Napakaraming isyung ibinabato noon kay Angel, pero ang masakit ay nanggaling pa yun mismo sa is­tasyong kinabibila­ngan niya, kaya na­saan nga naman ang napakaha­lagang pro­teksyon dapat nata­tanggap ng artista mula sa mga pakpak na nagyuyung­yong sa kanya?

May mga nagta­taas ng kilay sa ipina­hayag ni Becky Aguila na hindi naman pera-pera lang ang esen­siya ng buhay, sigu­rado raw na labis-labis sa dating tinatanggap ni Angel sa Siete ang nakasaad sa kon­tra­tang pipirmahan nila sa ABS-CBN, kaya naengganyo silang lumipat.

Sa buhay na ito kung minsan ay pa­ngalawa na lang ang kalansing ng pera, may mga pagkaka­taong ki­nalilimutan natin yun sa ngalan ng prinsipyo at res­peto sa ating sarili, aanhin naman natin ang pera kung mas­yado nang binabale­wala ang ating pag­katao?

(Article courtesy of Journal Online)

Labels: , , , ,


Posted By Markymark @ 11:05 AM   |



Sunday, August 05, 2007

ABS-CBN's KOKEY Full Trailer


(Courtesy of MeganYoungFans)

Labels: , , , ,


Posted By Markymark @ 12:28 PM   |



Friday, August 03, 2007

ABS CBN, nagpapatawag ng presscon para sa manager at tatay ni Angel

Ngayong araw, Bi­yer­nes ay nakatakdang magsalita ang man­ager ni Angel Locsin na si Becky Aguila at tatay niyang si Mr. Angel Colmenares sa harap ng entertain­ment press na ipinata­wag ng ABS-CBN para isa-isang sagutin at hi­mayin ang lahat ng is­yung ibinato sa kanila.

Highblood na si tita Becky sa mga isyu sa kanila ni Angel na in­gra­ta at traydor at muk­hang pera, matagal na panahon na raw silang hindi nagsasalita


(Article courtesy of PhilStar)

Labels: , , , ,


Posted By Markymark @ 11:52 AM   |



Entertainment Live! premieres this Saturday

Hindi kami imbitado sa presscon ng Entertainment Live! (na magsisimula bukas sa ABS-CBN 2 katapat ng Startalk ng GMA 7), kaya bago pa ang presscon nila kahapon ay tsinika na namin ang program manager ng show na si Louie Andrada, na may hawak din sa The Buzz.

In-explain ni Louie na hindi basta talk show ang iho-host nina Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez at Bianca Gonzales. Talk-variety raw ito. "Bukod sa mga balitang showbiz, may kantahan at sayawan din. Iba ang dating ng Entertainment Live! compared to The Buzz," sabi ni Louie. Hindi raw magkakasapawan ang dalawang show.

"Iba ang magiging image ng Entertainment Live!. May pagka-hip siya. Bagay kina Toni, Mariel at Bianca. Bale parang yung Daily 10 at Entertainment Tonight sa Amerika. "Ang The Buzz kasi, investigative ang dating," sabi ni Louie.

***

Bibigyan ng ABS CBN ng isang magan­dang laban ang kasa­lukuyang nangu­ngu­nang showbiz talk show tuwing Sabado, ang Startalk, sa pama­magitan ng isang ba­gong programa na mag­sisimula sa araw na ito, pagkatapos ng Wowowee. Ito ang En­ter­tainment Live, isa't kalahating oras na tsikahan, tsismi­san hindi lamang tung­kol sa mga ar­tis­ta dito sa atin kundi maging sa la­bas ng bansa.

Tatlong hosts ang magtutulong para iha­tid sa manonood ang TOP 10 kontro­bersya na naganap ng naka­ra­ang linggo, si­na Toni Gonzaga, ang "show­biz sister", da­hil best friend siya ng "showbiz world", Bianca Gonzales, "show­­­­­biz rampadora" at Mariel Rodriguez. "showbiz darling tsis­mosa", kun­wari ino­sente pero intri­gera pala.

Sinabi ng tatlo na handa silang main­triga. Aware sila na bilang mga artista ay hindi sila palilig­tasin kapag may isyu sa kanila. Ilalagay din sila sa hot seat at igi-grill. Ito ang pagha­han­daan nila.


(Articles Courtesy of PhilStar and Abante)

Labels: , , ,


Posted By Markymark @ 11:46 AM   |



Juday, Marunong tumanaw ng utang na loob

Ngayon si Judy Ann Santos naman ang nag­sasabing hindi siya aalis sa kanyang home network. Kung iisipin, mas nauna ngang may kumalat na tsismis na baka lumipat siya sa GMA 7 dahil sa ginawa niyang pelikula sa GMA Films. Iyon ay noong hindi pa man malay pag-usapan ang mga tsismis na lilipat sa ABS-CBN si Angel Loc­sin.

Pero naniniwala ka­mi sa sinasabi ni Juday, dahil kung iyan o kaya ang kanyang manager ay lihim nang nakikipag-negotiate sa Channel 7, kagaya ng ginawa ng manager ni Angel nang magpasiya silang lumi­pat sa Chan­nel 2, hindi na gagawa pa ng denial ang sinu­man sa kanila.

In the first place, hindi kami nani­niwala na papasok sa isang secret nego­tia­tions ang man­ager ni Juday, dahil nagsi­si­mula pa lang ng usa­pan ay alam na ng lahat ng tao kung ano ang pi­nag-uusapan nila. Very trans­parent yang si Alfie Lorenzo. Hindi mo ma­susubukan yan na nag­tatago ng kahit na ano, lalo na nga kung con­cerned talaga ang ca­reer ng kanyang mga alaga.

Siguro ang kaibahan ni Alfie, professional talent manager kasi siya. Hindi ang panan­da­liang advantage la­mang ang kanyang ini­isip kundi ang katayuan din ng kanyang sariling ca­reer bilang isang ta­lent manager. Aba kung ma­sira ka dahil sa isang talent lang, papaano ka pa nga ba makakabawi pag­dating ng araw?

Isa pa, si Juday na­man talaga ma­ru­nong tumanaw ng utang na loob. Tingnan nga ninyo, noong mag-cele­b­rate siya ng kan­yang an­ni­ver­sary pati na yong kauna-unahan niyang manager, pina­salama­tan niya. Eh ang ibang stars, naaalala pa ba nila kung papaano at kung kanino sila tala­gang nagsi­mula?
(Article courtesy of PhilStar)

Labels: , , , ,


Posted By Markymark @ 11:36 AM   |



Thursday, August 02, 2007

1 VS 100 Philippines Teaser Trailer

Yey! at last! 1 VS 100 Pinoy Version! I really like this show. 1 vs. 100 is a game show created by Endemol that is aired in several countries. The game pits one person against 100 others for a chance to win a large cash prize. The game first aired in the Netherlands as Een Tegen Honderd.


(Courtesy of dorknowitzki)

Labels: , , , ,


Posted By Markymark @ 11:30 AM   |



Valerie Concepcion, naunahan pa si Angel sa ABS-CBN

Dahil sa sobrang dami ng lagareng taping ni Roxanne Guinoo ay tsinugi na siya bilang co-host ni Willie Revillame sa Wowowee. Last Tues­day, after the show ay sinabihan si Roxanne na huling araw na niya iyon kaya nabigla ang dalaga at nag-iiyak.

Samantala, si Va­lerie Concepcion ang guest co-host ni Willie kahapon, Miyerkules at dahil wala nang kon­trata ang dalaga sa GMA-7 ay naging in­teresado ang pamu­nuan ng network sa kanya.

Labels: , , , ,


Posted By Markymark @ 11:23 AM   |



Sandara, bumalik na ng Korea

"I'm leaving Philip­pines for good," simula ng mensaheng ipina­dala sa amin ni San­dara Park nung isang araw. Kahapon nang ma­kapananghali ay uma­lis na ang batang ak­tres kasama ang kan­­yang ina at mga ka­patid pa­uwi sa Korea, tuluyan na ni­yang ti­nalikuran ang showbiz, dun na sila ma­nini­rahan.

Isang araw bago umalis si Sandy ay nag­punta muna siya sa opi­sina ng Talent Cen­ter (Star Magic na nga­yon), nag­dala siya ng cake para kay Direk Johnny Mana­han, nag­paalam siya sa mga taong ilang taon din niyang naka­sama. Sa Seoul muna ma­ni­ni­rahan ang mag-iina, may isang kum­pan­yang nagma­gan­­dang-loob na magbi­gay ng lugar na pan­samantala nilang ma­titirhan, hindi uuwi sina Sandara sa kani­lang probinsiya.

Mula sa Busan ang pamilya Park, pagta­trabaho sa bukid ang kanilang ikinabubuhay, pero labing-isang taon na ang nakararaan ay nagdesisyon silang ma­ni­rahan dito sa Pilipinas dahil nagka­roon ng ne­gosyo dito ang kanyang ama. Naging maayos na­man ang kanilang ka­la­gayan dito nung mga unang taon, hanggang sa malulong sa sugal si Yuri Park, dun na nag­simula ang mga indulto sa kanilang pamilya.

Nakulong ang ama ni Sandy, ilang taon nang siya ang tuma­tayong padre de pa­milya, pero nitong mga huling pana­hon ay hindi na naging maganda ang takbo ng kanyang career. Ang pangyayaring yun ay hindi maaaring isisi ni Sandara sa Talent Center at sa mga taong nagpapa­takbo sa kan­yang ca­reer, lalong hindi niya puwedeng ituon ang sisi sa kanyang mga ka­ibigan, dahil nung magdesisyon siyang mawala nang ilang bu­wan sa kainitan ng kan­yang papularidad ay maraming nagpayo sa kanya na huwag umalis.

Nakakatakot ang ga­nun, ang pagkawala ay puwedeng mauwi sa paglimot at ganun nga ang naganap kay San­dara Park, nung mag­balik-Pilipinas siya ay meron nang mga ba­gong mukha, meron nang mga bagong ka­bataang artistang ma­hal ang bayan, wala na siyang tronong bina­likan. May katiga­san ang ulo ni Sandara Park, kung ano ang gusto niya at maisip niya ay yun ang kan­yang gina­gawa, kahit pa kontra ang marami sa gusto niyang mangyari.
(Article courtesy of PhilStar)

Labels: , , ,


Posted By Markymark @ 11:13 AM   |



Wilma Galvante, ayaw paawat

Hindi na uli magbi­bigay ng statement ang GMA 7 sa Angel Loc­sin issue. Ayon kay Ms. Wilma Galvante, mas marami silang bagay na kailangang pagtuunan ng pansin. At kaya lang naman daw siya nagsa­lita ay dahil may respon­sibility sila as a network na mag-explain sa to­toong nangyari kay Angel Locsin.

Hindi rin nila kino-consider na kawalan sa kanila si Angel dahil "Sa isang nawala, sampu ang naghihin­tay," sabi ni Ms. Wilma sa isang tsikahan the other day. At least nga naman meron na silang chance na mag-discover at mag-offer sa mga tele­viewers ng bago. "We're putting the issue to rest. Ma­raming ibang puwe­deng gawin," she said.

In the first place, hindi naman daw af­fected ang mga pro­grama nila sa pag-alis ni Angel dahil the same pa rin ang ratings at si Ri­chard Gutierrez ang kino-consider nilang big­gest star ng Ka­puso nga­yon.

Kuryente rin ang issue na napagalitan siya ni Mr. Felipe Go­zon tungkol sa nang­yari at balita pang un­der fire. Not true. In fact, siya pa nga raw ang tinatanong ni Mr. Gozon sa mga nang­­yayari at properly in­formed umano ang ka­nilang presidente at hindi ito pumapatol sa mga ganitong issue. Dahil ayaw patulan ni Ms. Wilma ang is­sue, "Kasi kung papa­tulan mo, ang dami mong pu­wedeng sabi­hin," she said. Pero isa sa nara­ram­­daman niyang ma­sama ang loob ay si Ali Sotto. "I felt her hurt," sabi niya.

Common know­ledge na napagtuunan ng pan­sin si Angel nang maki­ta siya sa wake ng anak ni Ms. Ali na si Miko Sotto. Hawak niya nun ang kabiyak na sa­patos na isa sa naiwan ang nama­yapa niyang boyfriend at naging ma­lapit sila ni Ali noon.

At yung issue ng Marimar, hindi naman daw nila yun ipinilit kay Angel. Nang sabihin ni Becky Aguila na hindi puwede dahil may ibang prio­rities si Angel, hindi na nila pinilit kaya nagpa-audition sila and gladly perfect ang napili nilang si Marian Rivera. At ngayong nakaba­lik na sa bansa si Becky, ano kayang sa­got niya dahil sigura­dong meron.

(Article courtesy of PhilStar)

Labels: , , , ,


Posted By Markymark @ 11:05 AM   |



Wednesday, August 01, 2007

Wendy Valdez : Maxim Philippines August 2007 Cover Girl

Here are two of the three Wendy Valdez covers of Maxim Philippines for the month of August 2007. Out of all the PBB Season Two housemates, Wendy Valdez had the most guestings and projects. First was this 3-cover feature for Maxim Magazine and the biggest so far is her new teleserye, Margarita.


(Images courtesy of Starmometer)

Labels: , , , , , , , ,


Posted By Markymark @ 11:44 AM   |



Lolit Solis on Angel and Becky

Nakarating sa akin ang balita na gusto ni Becky na makausap ako sa pagbabalik niya mula sa London. Sure ako na naka­rating kay Becky ang aking mga pahayag at na-hurt siya sa mga sinabi ko. Guilty ako sa pakiki­sawsaw sa isyu dahil sinagot ko ang tanong sa akin ni Mario Dumaual kahit pwede naman na "no com­ment" ang isagot ko.

Makikipag-usap ba ako kay Becky? Why not? Papayuhan ko pa siya kung paano ma­kipag-deal ng ma­ayos sa mga tao para hindi na maulit ang kanyang ma­laking pro­blema. Sasa­bihin ko rin sa kanya ang mga pagkakamali niya.

Hindi ako galit kay Becky dahil walang da­hilan para maim­byerna ako sa kanya. Naging prangka at diretso lang ako sa pagsasabi ng aking opinyon na iki­naloka ng lahat, lalo na ang aking statement na traydor at hindi ingrata ang tamang term sa ginawa nila ni Angel.

Bilang talent man­ager, marunong akong rumespeto o gumalang sa kapwa manager pero hindi lamang ako talent manager. Repor­ter at TV host din ako kaya meron akong res­ponsibilidad sa aking readers at sa mga na­nonood ng aming show.

Nag-umpisa ako sa showbiz bilang reporter at kahit talent manager na ako, hindi ko pa rin naka­ kalimutan na utang na loob ko sa readers kung nasaan man ako kaya ka­ra­patan nilang mala­man ang katotoha­nan at mari­nig ang aking opinyon. Darating ang araw na hindi na ako magi­ging talent manager pero hindi mawawala ang aking pagiging reporter.

(Article courtesy of PhilStar)

Labels: , , , ,


Posted By Markymark @ 11:34 AM   |



Tuesday, July 31, 2007

KIMERALD on Pink Magazine August 2007 Cover

(Courtesy of Rissa)

Labels: , , , , , , ,


Posted By Markymark @ 12:10 PM   |



Angel Locsin's camp answers GMA's Black Propaganda

Marami ang nagulat sa pag­ papa-interview ni Ms. Wilma Gal­van­te sa Showbiz Cen­tral last Sun­day regarding sa pag-alis ng talent ni­lang si An­gel Loc­sin. Mis­mong mga taga-GMA-7 staff ay naloka rin sa pagtatalak ng kanilang bossing dahil halatang bitter daw sa pagkawala ng aktres dahil nga prime talent nila si Angel.

Bukod kay Ms. Galvante ay nagsa­lita rin si Ms. Redgie Magno na nalu­lungkot siya sa pag-alis ni Angel at napa­iyak pa dahil napamahal na raw sa kan­ya ang young actress na ilang taon din niyang nakasama at iti­nu­ring pang anak. Samantala, off daw ang naging pa­nayam ni Pia Guanio (isa sa host ng SC) kay Ms. Galvante dahil ang naging takbo ng usapan ay ang pag-reveal sa mga naging pag-uusap nila ni Angel at ng manager nitong si Becky Aguila.

Say ni Ms. Galvante ay dalawang be­ses nilang tinanong si Angel kung to­toong nakikipag-negotiate na sila ni Becky sa Dos at ang sabi raw ng young actress ay hindi at hindi rin lilipat. Ask uli ni Pia kung totoo bang isa sa mga ikinasama ng loob ni Angel ay dahil hindi sinuportahan ng net­work ang prinodyus niyang pelikula na Angels.

Ang sagot ng isa sa bigwig ng GMA-7 ay hindi raw ito totoo dahil ibinigay nga lang nila nang libre ang trailers at sila pa ang nagbigay ng P3M dahil binaya­ran nila ang TV rights ng nasabing peli­kula. Dagdag pa ng bossing na tina­nong nila si Becky kung bakit ayaw nitong pumirma ulit sa GMA Artist at ang ikina­twiran daw ng manager ni Angel ay open contract ang gusto para masolo na lang ang kontrata at komisyon.

Updated si Tita Becky sa panayam kay Ms. Galvante at nagulat siya sa par­teng sinabi nito na hindi pinaba­yaran ng network ang mga trailers ng Angels na umere sa Siete. "Si Orly Ilacad (of OctoArts Films) ang kausap ni Wilma tungkol diyan. Si Orly na kasi ang namahala ng lahat ng pagbebenta ng video and TV/cable rights, siya yung parang naging agent ko since nag-abono siya for the movie. Siya yung nag­bayad ng Kodak stocks, distributor's fee and checker's fee. "

"Ibinenta ni Orly ang TV/cable rights sa GMA-7 for P3M. Yung P1.5M went to TV plug for Angels, 17 TV spots yun na mixed 15 and 30-sec­onder. Yung P1.5M ang cash na ma­pupunta kay Orly. Actually, hindi ko nga alam kung naibi­gay na kay Orly ang P1.5M ng GMA dahil hindi na kami nagkausap ni Orly. You can ask Orly naman about that.

"So, the trailers were not free," pagdi­diin pa ng manager ni Angel. At sa isyung nego­sas­yon with ABS-CBN, ang sinabi lang nila ay hindi totoo dahil that time, wala pa naman daw talaga. "Pero sa meeting na­min, walang sinabi si An­gel na 'hindi po ako lili­pat'," diin uli ng man­ager.

Samantala, mis­mong taga-GMA-7 ang nag­sabi sa akin ng, "Kaya mega-ex­plain sa TV si Wilma Gal­vante dahil under fire siya sa GMA-7. Galit na galit daw si FLG at kuma­kalat na rin sa com­pound na si Annette Gozon-Ab­ro­gar na ang magti-take-over sa enter­tainment division ng Siete. "


(Article Courtesy of PhilStar)

Labels: , , , , ,


Posted By Markymark @ 12:01 PM   |



Ryan Agoncillo, di makatingin ng tuwid kay Mother Lily

Hindi naniniwala si Ryan Agoncillo na aalis sa ABS-CBN si Judy Ann Santos para lumipat sa GMA-7. Ka­pipirma lang daw ng girlfriend ng kontrata sa Ch. 2. "I don't think it will happen soon, but she made a movie with GMA Films," wika nito.

Tuwang-tuwa pala si Ryan sa presscon ng My Kuya's Wedding dahil natupad na ang dream niyang maging Regal baby. Fan ito ng movies ng film compa­ny lalo na ang Shake, Ratlle & Roll series na laging inaab­a­ngan sa Metro Manila Film Festival.

Ibinuking din nito ang sarili na starstruck siya kay Mother Lily at hanggang ngayon, hin­di pa rin siya ma­katingin ng tuwid sa kanyang pro­ducer. Si­guro naman, pag ginawa na nila ni Judy Ann ang movie nila sa Regal next year, ma­sasanay na siya sa producer.

Si Ryan din ang nagpaalalang birthday presentation ni Mother Lily ang MKW, dahil birthday ng producer sa August 19 at sa Aug. 29 naman ang showing ng movie. After the presscon last Saturday, gina­nap ang cast party sa Cafe Kara­vana na ipi­nang-imbita ng TV host-actor

(Article Courtesy of PhilStar)

Labels: , , , , ,


Posted By Markymark @ 11:46 AM   |



Angel Locsin Updates

Patindi na nang pa­tindi ang mga isyung ibi­nabato ngayon laban kay Angel Locsin. Kung iisipin natin nang malaliman ay ano ba ang ginagawa ng da­lagang ito para siya pagdusahin nang ga­nito katindi, isa lang ang maiisip natin, ang pagli­pat niya ng ibang baku­ran.

Kortesiya ang hi­nahanap ng GMA-7, sila raw ang pinaka­huling nakaalam na nakikipag­negosasyon na pala sa ABS-CBN ang kampo ng batang aktres, ayon naman sa manager ni Angel na si Becky Aguila ay ang Siete ang unang-unang nakaalam ng desisyon nilang hindi na pagpirma uli ng kontrata sa naturang istasyon at bukas ang kanilang pintuan sa posibilidad ng paglipat sa Dos.

Magpapaikot-ikot lang ang argumentong ito, pero wala namang kauuwian, dahil ang katotohanan ay lantad na. Tapos na ang kon­trata ni Angel Locsin sa Siete nung nakaraang Marso pa.

Ang isang kontrata ay hindi matatawag na kontrata kung ayaw na ng isang panig, ma­nanatili lang ang kon­trata kung gusto pa ng magkabilang kampo, tulad din yun ng do­kumento ng kasal na kapag hindi na nag­kakasundo ang mag-asawa ay pinawawa­lang-bisa na.

Nalulungkot lang kami kung bakit lahat ng kontrobersya at isyung dapat ipukol laban kay Angel ay ngayon lang nagla­labasan, sana'y nun pa, para naman kapani-pa­niwala ang mga kwento. Pati ba naman ang katawang-lupa ni Miko Sotto na matagal nang bumalik sa pagiging alikabok ay kakaladkarin pa sa pagbira kay Angel, huwag na ta­yong ma­hiya sa da­laga, pero sana nama'y patahi­mikin na natin ang kalu­luwa ni Miko Sotto.

Dati'y kulang na lang na hosanahin pa at lagyan ng bilog sa ulo si Angel para mag­mistula siyang anghel, pero ngayo'y kabalig­taran na ang nang­yayari, sungay na at hindi halo ang ipi­nasusunong sa kanya. At isa lang ang na­gawa niyang pagka­kamali, ang magde­sis­yong lumipat na sa ABS-CBN mula sa GMA-7 bilang bahagi ng kanyang karapatan bi­lang tao, yun lang ang na­gawa niyang kasala­nan.

(Article courtesy of PhilStar)

Labels: , , , ,


Posted By Markymark @ 11:40 AM   |



Sunday, July 29, 2007

Star Cinema : "A Love Story" Full Trailer


(courtesy of alodia84)

Labels: , , , , ,


Posted By Markymark @ 7:37 PM   |



Wendy Valdez, naunahan pa ang grand winner!

Marami sa mga na­ kapag-interview na kay Wendy Valdez, 3rd run­ner-up ng Pinoy Big Brother2 ang nagsasa­bing lubhang kakaiba ito sa personalidad na nakilala ng mga tele­viewers sa loob ng Ba­hay ni Kuya. Tuloy nag­kakaron sila ng hinala na baka lahat ng pinag­gagawa nito sa loob ay pawang scripted la­mang, bilang preparas­yon sa ginagawa niyang pag-aartista.

Kung pakaiisipin eh tila may katwiran nga sila. Dahil sa inis at galit na ipinakita sa kanya ng manonood, lumabas siyang pinaka-popular sa mga naging house­mates. At kahit masasa­bing runner-up lamang ay naunahan pa niya ma­ging ang pinaka-grand champion na ma­bigyan ng assignment. At kung anumang galit meron sa kanya ang lahat, lalo na ang media, ito ay unti-unti nang na­papalitan ng paghanga sa ilang ulit nilang paki­kipag-usap sa kanya. Lumalabas kasi na opposite ng karakter na ipinamalas niya sa loob ang babaeng unti-unti nilang nakikilala ngayon.

Sa Lunes magsisi­mula nang mapanood ang isang teleserye na sadyang ginawa para sa kanya lamang at sa ka-partner niyang si Bruce Quebral. Pinamagatang Margarita. No less than Diether Ocampo ay kinuha para bigyan siya ng suporta. At sina Rio Locsin, Elizabeth Oro­pesa. Siya rin ang ka­una-unahang artista ng ABS CBN na may tele­serye na binigyan ng tatlong direktor, sina Erick Salud, Trina Day­rit at FM Reyes.

Hindi remake ng Bur­lesk Queen ang Marga­rita na isang paglalak­bay ng isang babae sa buhay. Isang babaeng palaban, na sa murang gulang ay naranasan ang mga pagsubok sa buhay.


(Article courtesy of PhilStar)

Labels: , , , , , , , ,


Posted By Markymark @ 10:10 AM   |



Shaina, ipagpapalit ng GMA kay Angel Locsin?

Nag-float ang tsismis na kinukuha ng GMA-7 si Shaina Magdayao bilang kapalit ni Angel Locsin. Ang sabi pa, ipapahiram siya ng ABS-CBN at Star Magic pag maganda ang project at ang offer sa kanya'y isang soap na kapareha si Richard Gutierrez.

Si Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films ang sabi'y kumakausap sa kampo ni Shaina para lumipat ito sa Ch. 7. Hi­ningi namin ang reaction ng producer thru’ a friend at itinanggi ang balita't hindi nila ugali ang ku­muha ng talent sa Ch. 2 lalo't may kontrata pa.

Inisip tuloy namin na kung hindi si Anette ang kumausap sa Star Ma­gic para kunin o hiramin si Shaina sa Ch. 2, baka ibang executive ng Ch. 7 ang nakikipag-nego­sasyon. Nag-deny na ang Ch. 7 at walang alam si Shaina sa isyu nang makita namin sa story conference ng Bahay Kubo, entry ng Regal sa Metro Manila Film Festival. Hintayin na­ting may magsalita sa mga taga-Dos.

Samantala, dream come true kay Shaina na makasama sa Bahay Kubo si Maricel Soriano na naka­sama niya sa sit­com na Bida Si Mister, Bida Si Misis noong bata pa siya. Sa Aug­ust 19 ang start ng shoot­ing ng movie sa direksyon ni Joel Lama­ngan.


(Article courtesy of PhilStar)

Labels: , , , , , ,


Posted By Markymark @ 10:03 AM   |



Angel Locsin, bugbog sarado sa pagka-bitter ng GMA

HINDI pa man pormal ang pagiging Kapamilya ni Angel Locsin ay bugbog-sarado na ito sa kung anik-anik na wala namang pruwebang mga kasiraang balita. Halata namang gawa-gawa lang ang mga paninira na ito sa kanya. Siyempre, very obvious din naman at kahit na yung pinakamangmang na nilalang ay knows kung sino ang nagpasimuno ng kung anik-anik na tsismis kay Angel. Bitter kasi sila, noh!

Sa totoo lang, hindi ka-mi close kay Angel. Nakilala namin ang young actress years back sa kaarawan nito na ginanap sa isang subdivision sa Quezon City, at wala pa yatang one year sa showbiz noon ang dalaga. Doon pa lang ay nakitaan na namin ng magagandang katangian si Angel. Mabait, magalang at deretsong sinabi namin sa kanya noon, kaharap ang dating katotong Jun Estado (nag-imbita sa amin sa party na yun), na malayo ang mararating ng dalaga sa showbiz.

Marami-raming okasyon na ring nagkasalubong kami ni Angel and as always bumebeso ito sa amin na kahit never namin siyang nainterbyu dahil nga hindi kami nabigyan ng pagkakataon. December 2005 kasama ang mga PMPC carolers, sa taping ng isa sa mga regular shows niya sa Siyete opposite Robin Padilla ay super-entertain si Angel sa amin kahit medyo pagod ito dahil madaling araw na halos yun.

Dapat ba naming paniwalaan ang mga bira kay Angel ngayon? Dapat bang makisawsaw kami sa mga isyu ng isang taong hindi naman ganun ka-close sa amin? No and Yes. Bakit nga naman kami maniwala sa mga naglalabasang isyu na galing din naman sa mga taong super ang pagtatanggol kay Angel noon at nga-yong nabalitaan na lang nila na lilipat na sa Kapamilya station, eh, saka nila inilalabas! For sure, itatanggi nila na hindi sila ang may pakana. Eh, sino kaya?

ILANG talents na rin naman ng Dos ang nasa Siyete na ngayon? May kasiraan bang ginawa ang mga Kapamilya patungkol sa mga artistang yun na lumipat sa Siyete?

Saan ba galing ang mga Jolina Magdangal, Patrick Garcia at iba riyan na hindi na worth mentioning? Umangal ba ang mga nasa Dos tation?

Isang malaking halimbawa na rin si Robin Padilla. Sa pagkakaalam namin noon ay nakahanda na ang Dos for renewal of contract ni Robin. Nag-final meeting na at ibinigay ng istasyon ang talent fee na hiningi ng aktor. Gawa na ang kontrata ready for his signature with matching check, pero kinabukasan nalaman na lang ng istasyon na nasulot na ng siyete si Robin.So, what's new?

(Article Courtesy of Journal Online)

Labels: , , , ,


Posted By Markymark @ 9:51 AM   |



Kapamilya Show Updates and SineSerye, pang-Primetime Bida na

MARAMING bagong rebelasyon ngayong Linggo sa ABS-CBN Wild ang Linggo ng hapon natin sa paglalantad ng mga bagong kasasabikan sa ating Kapamilya sa ASAP 07, Your Song, Love Spell at The Buzz!

Ilalahad ni birthday-boy Arron Villaflor ang kanyang mga bagong dance moves samantalang si Sarah Geronimo naman ay ipapari-nig na sa atin ang ilan sa mga cuts sa bago niyang album. 30 nagseseksihang babae't lalaki ng Be Bench ang ra-rampa sa ASAP runway sa kanilang mga naggagandahang katawan.

Ang original matinee idol nating si Aga Muhlach ay ipakikilala ang bago ni-yang sitcom na That's My Doc kasama sina Bayani Agbayani, Pokwang, Roderick Paulate at Precious Lara Quigaman.

Ang mga in-demand na cover girls naman na may mga bagong teleserye na sina Roxanne Guinoo at Wendy Valdez ay magkakaharap sa ASAP Supahdance. Ang Natutulog Ba Ang Diyos? (sa bago nitong timeslot) ay pinagbibidahan ni Roxanne kasama sina Jake Cuenca at Joross Gamboa.

Si Wendy naman ay si Margarita sa Margarita, ang pinakabagong teleserye ng ABS-CBN, katambal sina Bruce Quebral at Diether Ocampo.

Totoo nga kayang ang pag-ibig ay tila mas matamis sa pangalawang pagkakataon? Bibigyan tayo ng patikim ng Margarita loveteam na sina Wendy at Bruce sa kanilang galing sa pag arte sa Your Song : Ang Soundtrack ng Lovelife Mo pagkatapos ng ASAP 07 tampok ang latest single ni Piolo na One More Chance.

Maraming sikreto naman ang isisiwalat sa Love Spell: My Soulfone nina Sam Milby at Angelica Pa-nganiban pagkatapos ng Your Song. At ang numero unong showbiz-oriented talkshow ng bansa ay magbibigay linaw sa mga pina-kamaiinit at kapanapa-nabik na issues tungkol sa mga paborito nating celebrity. Ito’y pangungunahan nina Boy Abunda, Cristy Fermin at Ruffa Gutierrez ng The Buzz.

SAMANTALA, simula sa Lunes (July 30) ay bago na ang timeslot ng Natutulog Ba Ang Diyos nina Roxanne, Joross at Jake. Mapapanood ito ganap na 9:30 ng gabi sa ABS-CBN Primetime Bida.

Dalawang linggo pa lang itong napapanood pero napabilang na ang programa sa mga top-rating shows sa TV. Dahil sa mga sulat at text na na-tanggap ng ABS-CBN requesting na iurong ang oras ng soap, nagpasya ang Dos na ilagay ito sa mas gabing oras para ma-abutan ng mga nanggaling sa trabaho at eskuwela-han. Bukod sa tatlong bida, kasama rin sa Natutulog sina Martin del Rosario, Denise Laurel, Nash Aguas, Rosanna Roces at Dina Bonnevie. This is under the direction of Jerry Lopez Sineneng.

(Article courtesy of Journal Online)

Labels: , , , , , , , , , ,


Posted By Markymark @ 9:37 AM   |



Angel, di kaya ma-frozen delight lang?

Parang hindi kapa­nipaniwala ang sinasa­bing biglaan ang naging desisyon ni Angel Loc­sin na lumipat sa ABS-CBN. Kahit na sabihin mong sikat si Angel, parang hindi rin naman kami naniniwala na basta na lang tatang­gapin ng ABS-CBN ang offer na lumipat siya kung wala naman silang proyektong maibibigay sa kanya. Mas nanini­wala kami na matagal na ang nangyayaring negosasyon sa pagitan ng kampo ni Angel at ng ABS-CBN tungkol sa mga bagay na iyan.

Hindi mo masisisi ang ABS-CBN, dahil lumalabas sa mga usa­pan na ang manager mismo ni Angel ang nag-alok sa kanila ng kanyang serbisyo. Kung nakikita ba naman ni­lang magandang pag­kakataon na makuha nila si Angel, dahil kung hindi man mag-click iyon sa kanila, at least nawalan ng star ang kanilang kalaban, aba eh kakagatin nga nila iyon. Dalawa ang da­hi­lan para ka kunin ng isang rival network. Una, para pakinabangan ka nila. Ikalawa para ma­walan ng star ang ka­laban nila. Maski anong tingin ang gawin mo panalo sila.

Hindi nangangahu­lugan yan na sigura­dong panalo ang star na lumipat. Basta hindi siya nag-click sa bago ni­yang bahay "frozen delight" siya, after all marami silang artista na maaari pa ngang uma­ngal kung yang bagong pasok ay mas bibigyan nila ng priority.

Sinasabi nilang ma­laki ang talent fee ni Angel sa ABS-CBN. Ma­takot ka basta malaki na ang talent fee mo, dahil oras na hindi ka mag-rate papalitan ka agad. Kasi dagdag puhu­nan ang mas malaking talent fee, kung hindi naman ganoon kalaki ang benta wala rin. Magda-dub na lang sila ng Korea novela. Mas mura at mataas din ang ratings.

Ang sinasabi nga lang namin, ok iyang paglipat ni Angel, mali lang ang timing. Una, mahina sa takilya yong huli niyang pelikula. Ikalawa, iyong nakaraan niyang serye hindi rin naman ganoon kataas ang ratings. Mataas lang ang ratings noon sa Mega Manila survey at tinatalo pa rin siya ng Jumong na wala halos puhunan. Ang tiyak na maa­apektuhan agad sa nang­yaring paglipat ni Angel Locsin ay si Jen­nylyn Mercado at iba pang artista na nasa management ng man­ager ni Angel.

Nawala yata sa isip niya na may kontrata pa ang mga yon sa GMA 7. Aasahan mo pa bang bibigyan iyan ng push ng GMA eh matatakot na sila tiyak na kung sisikat pa ang mga iyon posibleng bitbitin na naman ng kanilang man­ager sa ABS-CBN? Ang malamang na mangyari sa mga artis­tang iyan ay makabilang na sa mga "frozen de­lights" o kaya mag­papalit na muna sila ng manager nila dahil kung hindi para silang nasa bartolina niyan.

(Article Courtesy of PhilStar)

Labels: , , , ,


Posted By Markymark @ 9:24 AM   |

a [m]channel Main Page

a ON BLOG LEAVE
a Mukha ni Kokey, kopya kay Boy Abunda
a Kim Chiu flies high with debut album
a Star Cinema's A Love Story, may kurot sa puso
a Angel Locsin, bibinyagan ni Piolo Pascual
a Angel, nilamon nina Aga, Marya at Angelica
a Studio 23, makikipagsabayan sa USA!
a Wilma Galvante cannot accept defeat!
a Pag-alis ni Angel, Leksiyon para sa GMA
a Batang Aktres, tinalak-talakan ni Wilma Galvante?

   a 06.2006    a 07.2006    a 08.2006    a 09.2006    a 10.2006    a 11.2006    a 12.2006    a 01.2007    a 02.2007    a 03.2007    a 04.2007    a 05.2007    a 06.2007    a 07.2007    a 08.2007    a 09.2007

a ABS-CBN website    a Pinoy Dream Academy a Pinoy Big Brother a Retzwerx         a k.i.m.e.r.a.l.d   a Kapamilya Aficionado a Star Patrol       a Kapamilya Dos Online     a Kapamilya Portal a Kapamilya One        a Solid Na Kapamilya

a e-Channel              a Kevin Ray                 a Starmometer           a Access Pinoy             a Get It From Boy           a Pinoy Scoopery          

a GMA website           a Pinoy Rickey           a Chaka Minute               a Kapuso Magic                     


***